Ang Ulampinoy: 👨🏻👩🏻👧🏻👦🏻
Kami ay pamilyang Filipino na kasalukuyang naninirahan sa España. Family project namin ang Ulampinoy, Atbp. Matatagpuan dito ang koleksyon ng aming mga lutung-bahay, video recipes, blog at marami pang iba.
📜 Panimula
Nagsimula ang Ulampinoy bilang isang food journal ng mga recipes na niluluto namin sa bahay at marami pang ibang masasarap na tuklas nang kami nag-migrate. Kalaunan, ginawa namin ang YouTube cooking channel bilang isang family project na sa paanuman ay magsilbing guide sa aming mga anak kapag lumaki na sila at matutong magluto. Ang bawat video recipe ay may kuwento at ala-ala sa aming masasayang panahon magkakasama sa kusina!
Sa kasalukuyan, ang Ulampinoy YouTube channel ay may mahigit 61,463 subscribers at ang mga video recipes ay napanood ng higit sa 9.9 million beses.
🎯 Ang Aming Tunguhin
Pinagsisikapan naming bumuo ng pang-pamilyang reperensya at koleksyon ng mga cooking recipes na ginawa namin sa aming sariling bersiyon. Sisikapin rin naming ilahad ito sa simple at kawili-wiling paraan. Samantala, ibabahagi rin namin ang iba't-iba pang mga bagay na natutuklasan, natututuhan at kapakipakinabang.
🙏🏼 Pasasalamat
Pinasasalamatan namin ang aming mga kaibigan sa Netlify sa kanilang bukas-palad na nagde-deploy ng patuluyan sa website ng Ulampinoy. Sa GitHub naman nakalagak ang repositoryo ng kodigo. Ang kasalukuyang development at build ng site ay gawa gamit ang static site generator na Eleventy. Ang mga webfonts ay inilalan ng Google Fonts. Maraming salamat sa inyong lahat at more power!
📝 Makipag-ugnayan sa amin
Gamitin ang contact form para mag-send ng mensahe sa amin. Salamat!