Ang Bagong Ulampinoy
Oo, ang Ulampinoy ay mababasa na ninyo sa Tagalog! Sa loob ng maraming taon lumabas ang mga posts namin sa English para maabot ang mas maraming Filipino sa buong mundo.
Ang kultura ay higit pa sa pagkain, sangkot dito ang wika.
Kaya mula ngayon ang Ulampinoy ay mababasa na sa Tagalog. Umaasa kaming magkakaroon ng interes ang mga kabataan na matuto ng Tagalog sapamamagitan ng pagkain. Maraming masasarap na putahe ang matutunan mula sa ating mga magulang o mga lola pero ipinapasa ito sa kanilang wika. Kung matuto ka ng Tagalog mas maiintindihan mo si Lola habang isinisiwalat niya ang sekreto ng kanyang recipe.
Madalas gusto natin yung authentic na luto kasi yun ang masarap at orig. Mula noong sinimulaan namin ang Ulampinoy
Maraming termino ang mas madaling sabihin sa Tagalog sa mga ulam na niluluto nain. Halimbawa, pag sinabing igisa ibig sabihin nito na mag-init ng mantika sa kawali pagkatapos ilagay ang bawang hanggang maging golden brown tapos susunod ang sibuyas. Ito ang base ng maraming lutong Filipino.
Umaasa kaming mag-eenjoy kayo bagong Ulampinoy.