Paano ba Magsaing?
Kami ay nagbabalik hatid sa inyo ang mga bagong video recipes. Sa unang video ng season na ito, bumalik kami sa pinakapangunahin sa lahat—ang pagluluto ng kanin o pagsasaing.
Kanin ang staple food ng mga Filipino kung paanong tinapay o patatas naman ang sa maraming bansa sa Kanluran. Simple lang ang estraktura ng pagkaing-Pinoy: kanin at ulam. Kaya naman mainam na matuto sa pagluluto ng kanin dahil ito ang walang-sawa mo kakainin sa habang-buhay!
Ika nga nila, "Basta masarap ang kanin kahit ano o walang ulam, ayos na!" Sa maraming pamilyang Filipino ang kasanayan ng pagsasaing ay isang sukatan kung ang isang anak ay maasahan at maygulang na.
Hindi naman mahirap magsaing ng bigas. Kailan mo lang ay bigas, tubig at kalderong paglulutuan. Karaniwan nang hinuhugasan ang bigas ng dalawang beses at saka tutubugin. Ang karaniwang ratio ay 1 tasa ng bigas sa 1 1/4 tasa ng tubig. Kaya naman, sa 2 tasang bigas ay 2.5 tasang tubig. Pero hindi ito batas dahil kung ang bigas ay bago ang ratio ng 1:1 para maiwasang maging malatà o masyadong malambot. Kung luma o laon ang bigas kalimitan na mas maraming tubig ang kailangan, 1:1.5 ang ratio.