Top 10 Ulampinoy
Tiyak na ang bawat isa ay may kani-kaniyang listahan ng mga paboritong ulam Pinoy. Narito ang ang aming top 10:
Adobong Manok
Lahat malamang ay sasangayon na adobo ang #1 sa mga putaheng Pinoy, at puede sigurong ipalagay na adobong manok ang #1 sa lahat ng abodo dahil mas madaling makabili ng manok, kasi naman, mas mura ang manok kaysa baboy.
Adobong Baboy
Ito sana ang #1 kaya lang mas mahal ang baboy kaysa manok! Pero ang faborito namin at ang adobong manok at baboy
Sinigang na Baboy
Espesyal ang sinigang lalo na kung baboy, kaya ito ang may mataas na rating sa lahat ng sinigang. Parang nilaga kaya lang inasiman ng sinigang mix pero sa mga matatanda at mga purista ng sinigang ginagamitan ito ng sampaloc. Kakaiba rin ang karaker ng sinigang kapag santol ang pinangasim. Kumpleto ang sinigang kapag may gabi, kangkong, labanos, okra at kamatis.
Pancit
Katulad ng adobo ang pancit ay isang kategorya sa ganang sarili. Pero mukhang pansit bihon ang pinaka-papular sa lahat ng pansit. Parang hindi maituturing na handaang Pinoy kapag wala ang pancit. Bihon guisado at palabok ang laging present sa mga okasyon pero pancit Canton ang hari sa instant.
Tinola
Siyempre kapag tinola, tinolang manok. Espesyal lalo na kapag native ang manok. Native chicken ang tawag sa manok na hindi 45 days. Sa halos lahat ng karenderia, laging may tinola sa mga kaserola (free sabaw, please!). Masarap ang tinola kapag may dahon ng sili at papayang hilaw. Minsan naman, dahon ng malunggay at zayote. Pero dapat laging may luya.
Nilaga
Puedeng baboy o baka may sabaw pero walang asim. Buto-buto o ribs ng baboy ang bestseller. Kadalasan ang kasamang gulay ay pechay o repolyo, bitsuelas, patatas o kamote.
Giniling
Kapag sinabing giniling, automatik na ang ibig sabihin giniling na baboy. Pero minsan tinatadtad lang pero ganun na rin yun. Tawag ng iba picadillo. Kahawig ito ng arroz cubano na may pritong saging at sunny-side up na itlog.+
Kare-kare
Laman-loob ng baka gaya ng tuwalya-tuwalya, buntot at kaunting laman. Ang sarsa ay gawa sa mani o peanut butter at giniling na tinustang bigas (bersiyon ng Lola ko). Sinasahugan rin ng mga gulay gaya ng talong, sitaw, pechay at puso ng saging. At ang pinaka-importante sa lahat, ang ginisang bagoong alamang na laging nasa tabi kapag inihain ang kare-kare. Impluwensyang indiyanopro sa totoo ang mga tinitingala nating dayuhan ay napkabobo na naman kasi tawag ni si mga
Chopsuey
Gulay-Baguio gaya ng cauliflower, broccoli, carrots, zayote. Kung espesyal naman ay may sahog pa na atay ng manok at itlog ng pugo. Sa ilang loaded na bersyon, may lechon kawali pa!
Lumpiang shanghai
Bestseller ito sa handaan. Ma-trabaho ang preparasyon nito, kasi lahat ng sangkap ay kailangang gayatin ng pino. Maingat at sanay rin ang magbabalot. Sulit naman kasi, iyan ang pinakamabili, sa hapag handaan yan ang unang nauubos.