La Bahía
Mga ilan taon na rin ang nakalipas mula nang irekomenda sa amin ng ilang kaibigan ang La Bahia. Ang kanilang noodle soup at sariling-gawang mga dumplings ang una naming sinubukan at nagustuhan. Mula noon ay lagi na namin itong binabalik-balikan!
Sa weekend kapag nagagawi kami sa Tetuán upang mamili ng mga sangkap at doon inaabutan ng pananghalian, isa sa pangunahing pinagpipilian namin ay ang la Bahia. Maliit lang ang lugar pero masarap naman ang mga putahe!
Tuwing pumupunta kami sinusubukan namin ang bago sa amin. Dahil maraming putahe sa menu kaya gusto naming subukan ang mga ito kahit na noong nakaraang punta namin ay may mga nagustuhan na kami. Sulit na sulit! Halimbawa, dahil sa gusto naming subukan ang udon stir-fry, inorder namin at:
At siyempre hindi mawawala ang mga nakasanaya't nakahiligan na, gaya ng fried rice. Ang karaniwang tawag dito sa Espanya ay arroz tres delicias.
Ang pagkain sa labas ay nagbibigay ng inspirasyon sa kung ano ang puwedeng lutuin sa bahay para hindi naman nakakasawa.