Laing ni Popeye
Laing na yata ang pinakamasarap na ulam na gulay. Paano naman kasi: baboy at hipon ang sahog, gata ang sarsa at sili ang pampaliyab. Talaga namang mapaparami ka! 🍚
Alam nating lahat na dahon at tangkay ng gabi ang sangkap ng laing. Alam rin nating napakahirap humanap ng niyan dito sa Europa.
"Necessity is the mother of invention"
Kapit na kapit ang kasabihang iyan lalo na sa pagluluto at higit pa kapag matagal ka nang malayo sa Filipinas. Kadalasan alam mo kung paano lutuin pero ang isyu ay kulang ka sa sangkap. Kaya namana kailangan mong umimbento, ika nga, o humanap ng kapalit, ng malapit na katumbas. Kaya sa kaso ng laing, spinach ang pinakamalapit na kahalili ng dahon ng gabi.
Maraming taon na rin ang nakakalipas ginawa na iyan ng aming mga kaibigan namin iyan.
Dabes, kapag nag-langis na ang gata! Extra special kapag may dilis pa.
Patok na baon ito! At habang lumilipas ang araw (kung hindi pa ubos) lalo itong sumasarap.