Pancit Guisado Espesyal at Gyoza 🥢

Mayroon kaming bagong wok! Kaya sa unang gamit, tamang-tama ang pancit guisado. Masaya kami sa nabili naming wok online kahit pa may kaunti kaming duda nang inorder namin ito sa magiging kalidad nito.

Pancit on the wok
Talyasi ang tawag sa wok na tradisyonal na gamit sa Pilipinas

Pancit 101

Ang pancit ang isa sa mga kilalang pagkaing Filipino na hinding-hindi mawawala lalo na sa mga handaan. Gaya ng adobo, napakaraming paraan at bersyon ng pancit. Bawat rehiyon at pamilya ay may sariling recipe sa paggawa ng pancit.

Ang pangunahing paraan para tukuyin ang lutong pancit ay kung ano ang gamit na 'pancit' o noodles. Bihon ang default na gamit kapag sinabing basta 'pancit.' Bihon espesyal naman kung sotanghon ang ginamit dahil karaniwan ng mas mahal ito kaysa sa karaniwang bihon. Canton ay ang uring mas mataba. Pero kadalasan kapag pinagsama ang bihon at canton, tinatawag itong 'Pancit Guisado Espesyal.'

Gyoza

Isa sa mga paborito dimsum ay ang gyoza dahil kakaiba ito sa lasa at tekstura. Karaniwan na sa Asian dumpling ang lutuin sa steamer pero ang gyoza ay mas praktikal dahil kailangan mo lang ay skillet pan. Sa karaniwang dumpling, okey na ang luto ng steamer – mainit at malambot pero makatas. Ganyan rin ang gyoza – mainit, makatas at idagdag pa malambot, may lutóng ito dahil sa crust nito sa ilalim.