Tortang Hotdog
Malimit may natitirang hotdog dahil iniluto kadalasan lahat sa isang pakete. Torta ang masarap na paraan para gamitin ang mga tirang hotdog at iba pang tirang mga sangkap gaya ng bell pepper, sibuyas na malamang na ginamit sa ibang ulam pero naitabi mo pa rin sa refregerator. Ang kailangan mo lang ngayon ay itlog.
INGREDIENTS:
- Hotdog (hiwaiin ng palihis o diagonal)
- Sibuyas
- Red bell pepper (hiwain ng pahaba o julienne)
- Itlog (sapat na bilang para lumubog lahat ng iba pang mga sangkap)
- Mantika
- Asin at paminta
PROCEDURE:
- Igisa ang sibuyas, bell pepper at hotdog hanggang magsimulang lumambot ang sibuyas at bell pepper.
- Batihin ang mga itlog sa isang mangkok, timplahan ng asin at pamintang durog. Ilagay dito ang iginisang mga sangkap kanina.
- Maglagay at painitin ang kaunting mantika sa mismong kawali kung saan iginisa ang mga rekado. Ibuhos ang pinagsama-samang itlog at mga rekado sa pan.
- Iprito hanggang maluto ang makabilang bahagi. Sikapin na buuin ang pagkabilog nito. Iwasang masunog ang sibuyas dahil magbibigay ito ng mapait na lasa.
Hot sauce o ketsup ang sauce sa tortang hotdog. Masarap itong ulam sa kanin o palaman sa pandesal.
Ang recipeng ito ay puede rin gawin sa tirang Spam o Maling; tuna, sardinas de lata. Enjoy sa inyong recycled hotdog omelette!