Ubod Buod — Edisyon Isa
Ang mga post sa kategoriyang ito ay maglalaman ng mga piniling tampok sa loob ng isang linggo. Maaring nakapaloob dito ang mga ulam namin o ng iba; interesanteng mga bagay na natuklasan namin na maaring magiging kapakipakinabang o nakaa-aliw sa paanuman.
🎉 Ikinagagalak naming i-release ang unang edisyon ng Ubod Buod:
🍜 Ramen Upgrade
Puede pang pasiglahin ang matamlay mong noodles sa paglalagay ng kung ano mang meron ka sa ref, lalo na ang mga tira-tira at siyempre hulugan ng itlog!
🦑 Pusit Pink
Ang daing na pusit** na dala pa namin galing Pilipinas ay kabalot pa rin ng doble-doble sa papel at plastik na nasa pinakatagòng sulok ng ref. Saktong almusal kapares ng sinangag at noodles!
Kadalasan ang daing na pusit ay mabibili sa mga puesto na nagtitinda rin ng bagoong at mga rekado. Hinding-hindi mo puedeng hindi mapansin ang tindahan sa tawag-pansin nitong amoy!
🥖 Bocata de lomo
Ang baon ni Ate. Masarap at nakakabusog na baon sa eskuela. Madali lang gawin, kailangan mo lang ay barra de pan at lomo de cerdo na mabibili sa inyong suking carnercería.
At iyan ang kauna-unahang labas ng seryeng ito! Salamat kung narating ninyo hanggang sa bahaging ito! Hanggang sa susunod… 😋