Bopis

Ang bopis ay isang ulam Pinoy na gawa sa laman-loob ng baboy pangunahin na ng bagà at atay. Hinahaluan rin ito ng labanos, carrots, bell pepper na hinihiwang pahaba na parang palito. Tinitimplahan ito ng suka na nagbibigay ng katamtamang asim at hinuhulugan ng siling pula o labuyo para sa anghang.

Ang bopis na tawag ay nagmumula sa salitang Espanyol na bofe (o bofes sa plural) na nangangahulugang bagá ng hayop.